pero di ako umaasa.
tapos na ang upcat. hindi ako masaya. ugh.
noong umaga ng sabado, ako'y nag-internet lamang. sabi kasi nila mag-relax daw eh. hehe. pagkahapon naman ay sinamahan ako ng kuya kong magpagupit ng buhok. eto, mas mukha na akong maldita. feeling ko mukha akong lalake. aylabet. :) pagkatapos nun ay pumunta kame sa mindpro upang bumili ng snacks. nakita ko pa nga ang mga kaklase kong sina cyril, kikay, at vean sa tricycle. katatapos lang ng upcat nila eh. tinext ko sila agad para ipaalam na nakita ko sila. ang ni-reply? asan daw ako at andun daw si ano sa ano. hahahaha. nakakatawa! anyway, napaka-exagge ko naman o. bumili ako ng malalaking bags ng chili-and-cheese-flavored chippy at barbecue-flavored nova (na hindi ko naman nakain nung exam. hehe). san ka pa? hehe. tapos nun ay pumunta kame sa Fort Pilar dahil ipinangako kong magsisindi ako ng kandila para sa batch namin at sa mga kaibigan ko. wah! Lord..
ang aga kong nagising nung sunday. 3 am ata yun. hehe. since takot akong gamitin ang heater namin, nag-init na lang ako ng tubig the conventional way. pamatay oras na rin yun eh. after kong maligo, humiga ako ulit pero di na ako nakatulog. wala lang. nagbasa lang ako ng mga "good luck" messages ng mga tao. pampalakas ng loob. haha.
mga 4:45 ay bumangon na ako ulit. since ako lang talaga ang gising, ako na mismo ang naghanda ng sarili kong breakfast. pagkatapos kong kumain, nagising na si dad. ako naman, naghanda na. nag-toothbrush, nagbihis, etc. shet. kabado na ako.
pagdating doon sa meh wmsu, ayun, dami na rin palang mas nauna pa sa amin ng isa ko pang kaklase. meh mga nakita akong kakilala at naki-smile na rin sa kanila. pila na raw! *gulp* katakot.
surprisingly, hindi na ako kinabahan nung nakaupo na ako. ewan ko nga ba. mas naging relaxed pa nga ata ako nung pinamigay na nila ang test kits at nung nagsimula na kameng mag-fill up at mag-answer. weird.
pinilit ko talagang tapusin ang language proficiency 6 minutes before the time. baket? ihing-ihi na kasi ako! haha. *rofl*
science.. medyo nahirapan din ako. pero ayos lang naman ata. nagulat lang ako kasi meh mga tanong silang ininclude na lessons namin sa genetics. di naman lahat ng schools meh genetics ah. (di naman sa pagmamataas) wala lang. nagulat lang talaga ako.
hindi ko natapos ang math. nakakainis. last 6-8 items na lang ang dapat kong sagutin nang mag-time na. asar.
hindi ko feel ang reading comprehension. nalulunod ako sa mga sentences! haha. pero ok lang. natapos ko rin naman siya eh. at dahil sa nagkaroon ako ng 10 minutes extra time, napag-isipan kong punan ang mga hindi ko nasagot sa math. naisip ko kasi na sayang din naman yun. may right-minus-wrong policy nga pero 1/4 ng mga maling sagot ang ibabawas sa score mo. kung di mo naman sinagot, walang bawas, wala rin namang check. naisip ko na mas mabuti nang i-take ko yung risk kesa naman hayaan kong hindi ma-count ang 6-8 items na yun. malay ko ba, makachamba pa ako. :)
nung matapos na ang lahat, saka ko naman gustong umiyak. bakit ba UPM ang first campus choice ko? dapat UPD na lang! sure naman na hindi ako papasa sa Nursing eh. baka meh chance pa ako sa Behavioral Science kase non-quota naman siya. pero ayoko! gusto ko sa UPD! bahala na si batman.. hmpf.
mga seatmates at kakilala ko dun, salamat sa chika, encouragement, ngiti, at food offers. hehe. sana pumasa tayo 'no? sana magsama-sama tayo lahat.
pero di ako umaasa. mahirap na. masaket. o_O